-- Advertisements --

Pormal nang naisalang sa plenaryo ang House Bill 7352 o accompanying bill ng RBH 6 na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagdaraos ng Con-con.

Ang nasabing accompanying bill ay hindi nagtakda ng prohibitions sa mga kamag anak ng mga nahalal na opisyales na nagnanais maging bahagi sa panukalang constitutional convention.

Isinusulong ni Cavite 5th District Representative Roy Loyola na mahalaga na ipagbawal ang mga kamag-anak ng politicial families na mahalal bilang delegado sa panukalang con con na layong rebisahin ang 1987 constitution.

Subalit mayoriya ng kaniyang mga kasamahang mambabatas hindi sang ayon at tinanggihan ang kaniyang panukala.

Kabilang na dito ang hindi pabor ay si House Deputy Majority Leader Tonypet Albano ng Isabela’s 1st District.

Para kay Albano napaka restrictive ng naturang panukala.

Punto ng mambabatas na may karapatan din ang mga kamag anak ng mga pulitiko lalo at kung qualified ang mga ito.

Nitong Martes, aprubado na sa ikalawang pagbasa ang Resolution of Both Houses No. 6 na nagpapatawag ng Constitutional Convention para amyendahan ang 1987 Constitution.

Sa kabilang dako, aminado si House Committee on Constitutional Amendments Chair Rufus Rodriguez na may kalayaan ang Constitutional Convention o Con-con delagates na magsulong ng iba pang amyenda sa Saligang Batas.

Ayon kay Rodriguez , hindi ito imposible, ngunit umaasa ito na susundin ng mga magiging delegado ang nakasaad sa resolusyon na tanging economic provisions lamang ang amyendahan.

Dagdag pa nito na kaya nga Con-con ang kanilang itinutulak ay upang ibigay sa taumbayan o publiko ang desisyon sa pag amyenda sa Saligang Batas kaysa Con-ass.