-- Advertisements --

Nanindigan ang pamunuan ng Philippine National Police sa publiko na hindi bahagi ng kanilang organisasyon ang Airport Police Department ng Ninoy Aquino International Airport.

Ginawa ng Pambansang Pulisya ang pahayag kasunod ng pagkakasibak ng Department of Transportation sa limang airport police dahil sa pagkakasangkot sa pangingikil sa mga taxi driver sa naturang paliparan.

Ayon sa PNP , hiwalay ang APD ng NAIA sa kabila ng pagkakapareho nito sa pagpapatupad ng batas.

Giit ng PNP na mayroon itong sariling mandato kung saan ay pinamamahalaan ito ng Manila International Airport Authority .

Nabisto ang umano’y modus ng Airport Police Department matapos na isumbong ng isang driver ng taxi na unang nag trending online dahil sa pananaga ng pamasahe .

Aniya, napilitan lamang ito na maningil ng mataas sa kanilang pasahero dahil nakikiparte pa ang APD.

Aabot aniya sa 60/40 ang hatian nila sa kita at kung hindi sila tatalima ay maaari silang makaranas ng panghaharas, paninikit ng kanilang mga unit.

Sa kabila nito ay mayroon rin ng PNP na nakatalagang mga tauhan sa mga paliparan at ito ay ang PNP Aviation Security Group.