Inihayag ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of codes Senator Robin Padilla na hindi imposible ang panukala ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay ang Mindanao mula sa nalalabing parte ng Pilipinas subalit kailangan na daanin sa legal na proseso at hindi sa armadong paraan o banta sa seguridad.
Ayon pa sa Senador, bagamat ang naturang panukala ay karapatan ng mga Mindanaoans hindi dapat aniya ito mauwi sa anumang uri ng karahasan.
Naniniwala din ang Senador na si dating Pang. Duterte ay isang may-akda ng batas at kaayusan kayat naniniwala itong hindi ma-escalate ito sa karahasan.
Una rito, inatasan umano n dating Pangulo si dating House Speaker at kasalukuyang Davao del Norte Congressman Pantaleon Alvarez na manguna sa naturang movement kung saan susundin aniya ang procedure na inilatag ng United NAtions sa pagkalap ng mga lagda para maberipika na sang-ayon ang mga Mindanaoans na ihiwalay ang rehiyon sa PH.