Lusot na sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong magtayo ng hiwalay na kulungan para sa mga high-profile heinous crime convicts.
Sa botong 222 affirmative votes, zero negative, at walang absentention, inaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 10355 o ang “Separate Facility for High-Level Offenders Act”.
Nakasaad sa ilalim ng panukala na ang pasilidad na itatayo ay dapat matatagpuan sa isang secured at isolated na lugar para matiyak na walang “unwarranted contact or communication” sa mga nasa labas ng penal institution.
Ang mga kulungan na ito ay dapat mayroong surveillance cameras at latest information technology at security systems na kayang makapag-monitor sa mga bilanggo sa loob ng 24-oras.
Dapay mayroon din ditong extensive security features sa mga locks, pintuan at iba pa.
Ang mga bilangguan na ito ay itatayo nang tig-iisa sa Luzon, Visayas at Mindanao.