-- Advertisements --

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na nagdedeklara sa araw ng halalan bilang regular non-working holiday.

Sa botong 223 pabor, walang tutol, at isang abstention, ipinasa ng Kamara ang House Bill No. 8392 na layong gawing holiday hindi lamang ang national elections kundi pati plebisito, referendum, people’s initiative, recall elections, at special elections.

Ayon kay Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos III, layunin ng panukala na mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na makaboto nang hindi isinasakripisyo ang kanilang kita o trabaho.

Sa kasalukuyan, ang araw ng halalan tuwing eleksyon ay karaniwang idinedeklarang special non-working holiday upang mabigyang-daan ang pagboto ng mamamayan.