-- Advertisements --

Inirekomenda ni Sen. Christopher “Bong” Go at ng iba pang senador na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase para sa academic year 2020-2021.

Ayon kay Go, layunin nitong mabigyan pa ng dagdag na pagkakataon ang mga mag-aaral, guro, learning institutions at education authorities na makapaghanda sa “new normal.”

Bilang chairman ng Senate committee on health and demography, naniniwala ang mambabatas na baka kulangin sa paghahanda ang stakeholders kung pipiliting buksan ang klase sa Agosto 24, 2020.

Sa pagtaya ni Go, maaaring mangailangan ang education sector ng hanggang Oktubre, para maisaayos ang opening preparation, kaakibat ng pagpapairal ng mahigpit na health protocols.

Pabor din sa pagpapaliban muna ng pagbubukas ng klase si Sen. Francis Tolentino.