-- Advertisements --

Lusot na sa House Committee on Health ang panukalang gawing libre ang annual medical check up ng mga Pilipino.

Inaprubahan ng komite ang substitute bill ng House Bill No. 4093 para ipasagot sa PhilHealth ang basic annual medical check up sa mga government hospitals at institutions.

Layon din ng panukalang batas na ito na gawing libre rin ang pagpapakuha ng blood sugar at cholesterol tests.

Maaring madagdagan pa ang mga ito sa hinaharap dipende sa financial capability ng PhilHealth.

Ang pondo na gagamitin dito ay manggagaling sa total revenue ng PhilHealth.

Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, may-akda ng panukala, sa kasalukuyan ay target-based ang programa ng PhilHealth para sa libreng medical checkup alinsunod sa itinatakda ng Universal Health Care Law.

Ito ang nais aniya nilang baguhin sa ilalim ng kanyang panukala, upang sa gayon ay gawing available para sa lahat ang libreng basic annual medical check up.