-- Advertisements --

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang “e-Health System and Services Act.”

Sa botong 197-pabor at 0-tutol ay inaprubahan ng Kamara ang House Bill 10245.

Layon ng panukalang batas na itp na bumuo ng Philippine Electronic Health o e-Health System and Services na upang mapalakas ang pagpapatupad at ikatatagumpay ng Universal Health Care Law.

Sinabi ni House Committee on Health Chairperson Angelina Tan na mahalaga ang e-Health system lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.


Sa ganitong paraan kasi ay mas mapapalawak aniya ang access ng publiko sa kalidad at tamang mga impormasyon.

Matitiyak din nito ang pagkakaroon ng pantay na serbisyong-pangkalusugan, lalo na para sa mga naninirahan sa “geographically isolated and disadvantaged areas” at mga mahihirap na Pilipino.

Kapag din naging ganap na batas, magkakaroon ng isang independent body na tatawaging e-Health Policy and Coordination Council.