-- Advertisements --

Lusot na sa third and final reading sa House of Representatives ang panukalang CREATE Act na inakda ni House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda.

Sinabi ni Salceda na isang ekonomista ang CREATE Act ang siyang tugon sa nangyayaring international landscape sa taxation partikular sa pagpapatupad ng global minimum tax.

Ipinagmalaki ni Salceda na ang CREATE Law ay matagumpay na nakapagbuo ng 366,650 dagdag na trabaho sa ekonomiya sa kabuuan at 112,464 committed jobs mula sa P1.1 trillion approved investments na binuo ng tax incentives regime.

Binigyang-diin ni Salceda na nasa tamang landas ang CREATE para tugunan ang ten-year job creation target na nasa 1.4 million trabaho.

Ang CREATE ay nagresulta din sa mataas na Foreign Direct Investments (FDI) levels kumpara nuong pre-pandemic years.

Ang income tax holiday (ITH) at ang 5 porsiyentong special corporate income tax (SCIT) regime ay hindi na rin nililinaw ang mga pamantayang itinakda para sa pandaigdigang minimum na buwis.

Ibig sabihin, kahit ang mga multinational na kumpanya ay nag-avail ng ating mga kaakit-akit na insentibo, sila pa rin ang magbabayad ng top-up na buwis.

Kumpiyansa si Salceda na sa paglipas ng panahon, magiging net positive sa fiscal space ng bansa.

Inihayag din ni Salceda na malaking banta sa mga industriya sa Pilipinas lalo na sa manufacturing sector dahil hindi kaya ng gobyerno na i-subsidize ang mga gastos sa kuryente.

Siniguro naman ni Salceda na patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga pinakamahuhusay na eksperto sa mundo para makita kung paano magiging mas tumutugon sa tax incentive regime sa pagbabago ng pandaigdigang tanawin.