-- Advertisements --

Nilinaw ni Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. na hindi umano makikinabang ang bagong up na si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at Vice-President Sara Duterte sa kanyang inihaing panukala na amyenda sa saligang batas.

Una rito sa kanyang isinampang Resolution of Both Houses No. 1, ay nilalayon na magkaroon ng limang taon na termino ang presidente at isang reelection para sa president, vice-president, mga mambabatas at mga local officials.

Naniniwala kasi ang mambabatas na ang kasalukuyang anim na taon sa isang presidente ay kulang para sa long-term programs at lubos na maipatupad ang mga polisiya niya.

Kung maalala batay sa constitution ipinagbabawal sa isang presidente na sumailalim sa reelection makalipas ang anim na taon na termino.

Habang ang vice presidents ay pinapayagan na tumakbo ng isang reelection.

-- Advertisement --

Todo tanggi naman si Gonzales na ang kaniyang panukala ay “self serving” at agad na makakapagbenepisyo sina President Marcos at Vice President Duterte.

Nilinaw din nito na sa mga nakalipas na kongreso o noong 17th at 18th Congresses ay ito rin ang kaniyang kalahalintulad na panukala.

Paliwanag pa nito na batay sa kanyang panukala naman ngayon kung maaprubahan ito sa 19th Congress, magsisimula lamang daw ito sa taong 2025 o sa midterm ng pangulo ngayon at bise presidente na hindi na si Marcos pupuwede sa ilalim nito.

Si Cong. Gonzales ay nasa huling termino na rin at hindi na pupuwede sa reelection.

Itinanggi rin nito na makikinabang siya sa kanyang panukala.

Ilang mga political analyst na rin ang nakapanayam ng Bombo Radyo at nagsabi na malaki ang posibilidad na maisulong sa ilalim ng bagong administrasyong Marcos ang charter change o cha-cha dahil kontrolado ng mga kaalyado sa politika ng administrasyon ang kamara, gayundin sa Senado na umiiral ang tinaguriang super majority.