-- Advertisements --
bubble1

Hindi pabor si Justice Sec. Menardo Guevarra sa panukalang bubbles sa mga fully vaccinated na mga Pinoy kasunod ng panukala ng ilang grupo.

Ayon kay Guevarra, dapat umano ay majority o karamihan sa mga Pinoy ay mabakunahan muna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine bago ipatupad ang naturang panukala.

Naiintindihan naman daw ni Guevarra ang motibo ng naging pahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Ma. “Joey” Concepcion III para mabigyan ang mga bakunadong indibidwal nang mas maluwag na restrictions para na rin mapalakas ang ekonomiya ng bansa. 

Kung maalala, ipinanukala rin ni Concepcion ang pagpapatupad ng restrictions sa mga hindi pa bakunadong mga indibidwal kapag naabot na ng mga local government units (LGU’s) ang vaccination rate na 70 hanggang 80 percent.

Para kay Guevarra, maganda naman daw ang ideyang ito pero mistulang may paglabag naman sa equal protection clause lalo na sa mga hindi pa nababakunahang indibidwal na pagbabawalang lumabas sa kanilang mga bahay at ang mga bakunado lamang ang palalabasin.

Dahil dito, ipinanukala ni Guevarra na saka ipatupad ang naturang plano kapag mayroon nang sapat na bakuna para sa bawat Pinoy at karamihan sa populasyon ng bansa ay nakatanggap na ng covid vaccine.

“I understand that the objective behind PA Concepcion’s proposal to give vaccinated persons greater mobility and access is to boost the revival of certain sectors of the economy. The idea is good but may be challenged as violative of the equal protection clause by those who have remained unvaccinated but are nonetheless complying with mandatory health protocols. Without prejudging the legal issue, the proper time to push for the proposal is when the vaccines have become readily available to anyone anywhere and the majority of the people have been fully vaccinated,” ani Guevarra.

Kung maalala sa ngayon ay nasa 13 million na mga Pinoy pa lamang ang nababakunahan ng COVID-19 vaccine pero malayo pa sa target ng bansa na 70 million sa katapusan ng taon para maabot ang tinatawag na herd immunity.

Una rito, pabor si Department of Health (DoH) Sec. Francisco Duque III sa plano ni Concepcion pero baka mayroon umanong lalabas na posibleng lagal concerns matapos ikonsulta ng DoH secretary ang isyu sa Department of Justice (DoJ).