-- Advertisements --
Naghain ng panukalang batas si Senator Grace Poe na mabigyan diskwento sa electricity at water bills ang mga senior citizens.
Maliban ba dito ay maging-exempted ang mga ito mula sa value-added tax (VAT) sa nabanggit ng mga serbisyo.
Ayon kay Senator Grace Poe, chairperson of the Senate Committee on Public Services, na layon ng Senate Bill 1066 o Expanded Senior Citizens Act of 2022 na mabigyan ng 5% discount sa unang 150 kilowatt per hour ng mga electricity ang first fifty cubic meters ng mga tubig na nakukunsomo sa mga kabahayan kung saan ang mga senior citizen ay naninirahan at ang mga electric at water meter ay nakaregistro sa pangalan nito.
Layon aniya nito na mabigyan ng dagdag na diskwento ang mga may edad na o senior citizen.