Aprubado na ng House public works and highways panel ang panukalang batas na nagmamandato sa mga government agencies na ipursige ang public-private partnership (PPP) projects bilang prayoridad at tanggalin na ang mga bottleneck sa pagpapatupad ng mga ito.
Sa ilalim ng panukalang public-private partnership na inakda ni House Ways and Means panel chairperson Joey Salceda ng Albay at Deputy Speaker Ralph Recto ng Batangas, kailangan ng mga government agencies na isali ang priority projects na kailangang maisali bilang public-private partnership projects sa kanilang mga development plans, strategies at investment programs.
Sa pagkilala sa naturang mga proyekto, kailangan daw sundin ng mga government agencies ang mga criteria gaya ng pagiging epektibo ng pagkamit sa mga objectives ng gobyerno, accountability at transparency, consumer rights, affordability, public access, safety at security.
Kailangan din umanong maging consistent ang mga priority projects sa Philippine Development Plan o katumbas nito ang local level.
Nakapaloob pa sa naturang panukalang batas ang pagbabawal sa korte sa pag-iisyu ng temporary restraining orders (TRO), preliminary injunctions o preliminary mandatory injunctions laban sa ano mang implementing government agency, kanilang mga officials o employees, o sino mang tao o entity sa public o private na umaakto sa ilalim ng government direction para ma-restrain, mapagbawalan o pilitin ang bidding, rebidding o declaration of failure of bidding ng mga public-private partnershipprojects sa national o local.
Kabilang pa rito ang qualification o disqualification ng mga bidders, awarding ng public-private partnership contract, pagtanggap ng ano mang unsolicited public-private partnership project proposal kahit hindi pa ito binigyan ng go signal ng implementing agency na concern na nasa ilalim ng Section 9 ng bill.
Maging ang acquisition, clearance, development ng right-of-way, site o location ng ano mang public-private partnership project, construction, operation at maintenance ng ano mang PPP project, commencement, execution, implementation, termination o rescission ng ano mang public-private partnership contract at ang undertaking o authorization ng ano mang lawful activity na kailangan para sa public-private partnership project o contract.
Pero ang prohibition ng issuance ng TRO o ano mang injunction ay hindi raw sakop ang Supreme Court.