Naghain si Occidental Mindoro Rep. Leody Tarriela ng panukalang batas na naglalayong pigilan ang epekto ng mataas na presyo ng gasolina at diesel sa pamamagitan ng paglalapat ng progresibong excise taxation sa gasolina sa gitna ng inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng hanggang PHP6 kada litro.
Sa ilalim ng House Bill No. 3628 na inihain, unti-unting bababa ang excise tax habang tumataas ang presyo ng petrolyo.
Para sa unleaded premium gasoline, kung ang presyo kada litro ay nasa PHP50 o mas mababa, ang excise tax ay nasa PHP10.
Dapat itong unti-unting bababa ng PHP1 para sa bawat PHP5 na pagtaas sa presyo ng kada litro, hanggang sa umabot lamang sa PHP4 ang excise tax kapag ang presyo kada litro ay PHP75 o mas mataas.
Para sa diesel, ang excise tax ay nasa PHP6 kung ang presyo kada litro ay nasa PHP50 o mas mababa.
Bumababa rin ang buwis ng 50-centavo increments hanggang nasa PHP3 na lang, kung tataas ang presyo kada litro ng diesel sa PHP75 o mas mataas.
Magugunitang matapos maipasa ang Republic Act No. 10963 o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law noong 2017, ang excise tax sa diesel ay nasa PHP2.50 kada litro noong 2018, PHPH4.50 noong 2019, at PHP6 kada litro simula sa 2020.