-- Advertisements --

Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas para paigtingin ang proteksiyon at pangangalaga sa Philippine Cultural Heritage.

Sa pamamagitan ng viva voce voting pinagtibay ng Kamara sa second reading ang House Bill 5110 kung saan magsasagawa ng cultural mapping at palalakasin ang Cultural Heritage Education Program.

Sisiguraduhin ng nasabing panukala na ma-preserve ang cultural heritage ng bansa ng sa gayon magkaroon ng malalim na pang-unawa at pagpapahalaga ang mga kabataan at ag mga susunod pang henerasyon.

Bahagi ng programa ang pagbibigay ng technical at financial na tulong sa mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng imbentaryo ng lahat ng locally at nationally-declared cultural properties sa kanilang areas of responsibility.

Dagdag pa dito, magiging bahagi sa Basic Education Curriculum ang pagtuturo ng national cultural treasures at mga mahahalagang cultural propert sa ibat ibang bahagi ng bansa.