-- Advertisements --
image 174

Inihain sa kongreso ang isang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng monthly fuel subsidy ang mga municipal fisherfolks sa bansa.

Batay sa House Bill no. 8007 o Pantawid Pambangka Act of 2023 na inihain ni Agri Party Congressman Wilbert Lee, mabibigyan ng P1,000 ang bawat fisherfolk na nakapokus sa capture fishing, mapa- coastal man o inland Ang nasabing halaga ay magagamit ng mga mangingisda na pambili ng magagamit na petrolyo.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang DA ang siyang mamamahala sa pamamahagi ng subsidiya para sa mga mangingisda.

ang nasabing halaga ay maaari pang magbago kada taon, dipende sa magiging-evaluation ng DA.

Kung magiging ganap na batas, ang mga benepisaryo ay otomatiko ring magiging miyembro ng PhilHealth. Maliban dito, ang SSS ay imamandato rin na maglalaan ng microinsurance para sa kanila.

batay sa estimate ng Philippine Statistics Authority nong 2021, ang mga mangingisda ay silang may pinakamataas na poverty incidents rate na 30.6%, mas mataas pa sa 26.2 % noong 2018.