-- Advertisements --

Ipinagpaliban ng House committee on higher and technical education ang dalawang panukalang batas na naglalayon para ma institutionalize ang pagtuturo ng ethics at foreign language subjects sa tertiary level, pending ito sa gagawing six-month study mula sa Commission on Higher Education (CHED).

Sa isinagawang pagdinig ng komite nagkasundo ang mga panel members na i postpone muna ang pagpasa House Bills (HBs) 1724 at 4350 matapos ipunto ni CHEd Chair Prospero de Vera III na ang ethical lessons ay kabilang na sa curriculum habang ang ibang mga unibersidad at nagbibigay na ng foreign language courses.

Sinabi ni De Vera na bagamat kanilang wini-welcome ang HB No. 1724 pero aniya dapat muna magsagawa ng evaluation ang CHED kung paano tinuturo ang ethics sa bansa ng sa gayon makapagbibigay ng suhestiyon ang CHED.

Paliwanag ni De Vera sa bagong curriculum na pinagsama-sama matapos idagdag ang Senior High sa K-12 program, mayroon nang tatlong-unit course sa Ethics sa general education program kung saan nasimulan ito noong 2016 nang simulan natin ang bagong curriculum para sa lahat ng degree programs.

Hiniling din ni De Vera sa House panel na bigyan sila ng pagkakataon na magsagawa ng assessment para mabatid kung naging epektibo ito at ano ang naging impact nito.

Ang gagawing pag-aaral ng CHED hinggil dito ay aabot ng anim na buwan.

Naniniwala si De Vera anuman ang magiging resulta ng nasabing pag-aaral ay malaking tulong ito sa Kongreso na maintidihan ang philosophy and rationale sa pag integrate nitong ethics sa general education program.

Ang HB No. 1724 ay ipinanukala ni Laguna 2nd District Rep. Ruth Mariano-Hernandez.