Kinalampag ni ACT Teachers party-list Rep. France ang Senado na aprubahan na rin ang panukalang batas na naglalayong ibaba sa 56 ang optional retirement age sa bansa sa ginta ng COVID-19 pandemic.
Ito ay para mas-enjoy aniya ng mga nakatatanda ang kanilang retirement benefits makalipas ang ilang dekadang pagtatrabaho.
“Since the 16th Congress, we have been pushing for the enactment of the lowering of the optional retirement age of public school teachers,” ani Castro.
Mahalaga rin aniya ang pagsasabatas sa panukalang ito ngayong nahaharap ang bansa sa banta ng COVID-19 para may option ang mga may nais na mag-retire ng mas maaga.
Bukod dito, sinabi ni Castro na sa paghahanda para sa tinaguriang new norma, mayroong mga guro sa pampublikong paaralan na hirap sa pag-adopt sa online requirements na kailangan sa blended learning modes ng Department of Education.
“There are also risks in leaving their houses to cater to the needs of their students in the proposed blended learning modalities of DepEd,” dagdag pa nito.
Hindi naman aniya makakaapekto ang batas na ito sa workforce ng bansa dahil karamihan naman talaga sa mga government employees ay mas nagnanais na manatili sa serbisyo kahit pa umabot sila sa 65-anyos, ang mandatory retirement age, para matiyak ang maximum retirement benefits.