-- Advertisements --
image 374

Welcome para sa Civil Service Commission ang naging pagbubunyag ng department of Budget and Management na posibilidad na taas sahod para sa mga empleyado ng pamahalaan sa susunod na taon.

Maalalang una nang sinabi ni DBM Sec Amenah Pangandaman na may kabuuang P16.95billion na pondong huhugutin sa Miscellaneous Personnel Benefits Funds na siyang gagamitin para sa umento s sahod ng mga mangagawa sa pampublikong sektor.

Ayon kay CSC Chair karlo Nograles, malaking benepisyo para sa mga public employees kung maaprubahan man ang nasabing panukala.

Lalo rin aniyang mas maeenganyo ang mga public employees na magtrabaho ng husto dahil sa nasabing insentibo.

Sa kasalukuyan, naniniwala si Nograles na competitive na ang sahod ng mga empleyado ng gobierno. Ito ay dahil na rin sa pagpapatupad ng salary standardization law, sa pamamagitan ng tatlong beses na pagtaas.