-- Advertisements --

Nakatakdang buksan ang pansamantalang ruta ng mga barko sa Baltimore City matapos ang pagguho ng tulay.

Ang nasabing hakbang ay para hindi maantala ang pagdaan ng mga barko.

Nasa 80 percent ng Francis Scott Key Bridge ang kasalukuyang nakalubog pa rin sa tulay kung saan tanging natanggal lamang nila ay ang 200-toneladand bahagi ng tulay.

Sa araw naman ng Biyernes kinumpirma ng White House na bibisitahin ni US President Joe Biden ang lugar.

Magugunitang nasa anim katao ang nasawi matapos na mabangga ng Dali cargo ship ang nasabing tulay.

Nakita na ang dalawang biktima habang patuloy pa rin na pinaghahanap ang apat na iba pa.