Paninigarilyo ang itinuturong pangunahing dahilan ng Bureau of Fire Protection hinggil sa magkakasunod na insidente ng sunog na sumiklab sa bansa ngayong taong 2024.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng BFP, aabot sa kabuuang 3,034 na mga insidente ng sunog ang naitala mula Enero 1 hanggang Marso 1, 2024.
Pinakamarami ay ang mga sunog na nagmula sa mga napabayaang upos ng sigarilyo na umabot sa 190 fire incidents.
Sinundan ito ng 155 cases ng sunog na dulot ng open flame, LPGs, kalan, at kahoy; habang nasa 144 naman na sunog ang naitala nang dahil sa electrial ignition due to arcing; 97 fire incident na dulot ng electrical iginition due to loose connection; at 62 electrical ignition due to overloading.
Bukod dito ay iniulat din ng BFP na ang naturang kabuuang bilang ng sunog na naitala sa unang bahagi ng kasalukuyang taon ay mas mataas kumpara sa 2,888 na mga insidente ng sunog na naitala noong nakaraang taon na nasa 2,888 lamang.
Samantala, kaugnay nityo ay aabot din sa 69 na mga indibidwal ang napatay mula sa naturang mga sunog, habang nasa 213 naman ang nasugatan na mas mataas din kumapara sa una nang naitala ng ahensya noong taong 2023.