-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Talamak pa rin hanggang sa ngayon ang panic buying sa Spain dahil sa pinahabang implementasyon ng lockdown doon.

Kaya pahirapan pa rin sa ngayon ang pagbili ng mga essential goods sa naturang bansa, ayon kay Bombo international correspondent Albert Cagaoan.

Pahirap ito hindi lamang aniya sa mga residente kundi maging sa kanilang mga OFWs.

Samantala, sinabi rin ni Cagaonan na ilang OFWs na rin ang nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.

Umaapela aniya ang mga ito sa ngayon sa pamahalaan ng Pilipinas ng ayuda sa gitna ng kinakahrap na krisis.

Sa ngayon ikalawa ang bansang Spain sa may pinakamataas na kaso ng covid-19 na umaabot sa halos 200,000 na ang naitatalang kaso at nasa 21,000 na ang nasawi.