-- Advertisements --
Magkakasabay na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang kanilang panibagong taas presyo ng kanilang produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.50 sa kada litro ng diesel.
Mayroon namang pagtaas na P0.75 sa gasolina at ang kerosene ay nagtaas ng P0.80 sa kada litro.
Ito na ang pang-limang sunod na linggo na nagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Itinuturo naman ng Department of Energy’s (DOE) Oil Industry Management Bureau (OIMB) na ang dahilan ng taas presyo ng produktong langis ay dahil sa naganap na drone attack sa oil facilities sa Russia at ang pinalawig na pagbawas sa produksyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).