-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang panibagong sanctions laban sa Russia.

Ginawa nito ang anunsiyo matapos ang pakikipagpulong niya kay British Prime Minister Boris Johnson.

Ilan sa mga panibagong sanctions ay ang pag-freeze sa assets ng dagdag na 140 Russian nationals at ang pagpapalawig ng kanilang export ban kabilang ang military firms.

Iginiit ni Kishida na dapat ang mga kaalyado nila ay hindi payagan ang ginagawang panggigipit ng Russia sa Ukraine.