-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng taas presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.
Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.75 na pagtaas sa kada litro ng diesel.
Mayroon ding P1.40 na itinaas sa kada litro ng gasolina habang mayroong P1.05 na pagtaas sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang pangalawang sunod na linggo ng pagtaas sa presyo ng mga produktong langis.
Ayon kay Department of Energy Assistant Director Rodela Romero na ang pangunahing dahilan ng nasabing taas presyo ay ang hindi pa matiyak na paghinto ng kaguluhan sa Gitnang Silangan at ang pagsiklab ng kaguluhan sa pagitan ng Lebanon at Israel.