-- Advertisements --

Bumuo ng panibagong programa ang Department of Education (DepEd) para sa mas ligtas at conflict -free na mga eskwelahan at learning institutions para sa mga mag-aaral.

Sa isang pahayag ay tinawag ito ng kagawaran na Balangkas ng Nagkakaisang Sambayanan (BAYAN) na layuning itaguyod ang karapatan ng bawat kabataan sa edukasyon, kaligtasan at iba pa.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na bukod sa pagtiyak sa proteksyon ng mga mag-aaral ay sinisiguro rin nila na matugunan ang karapatan ng bawat mamamayan sa isang dekalikad at accessible na edukasyon para sa lahat ng antas.

Tinutukoy nito ang Access to Quality Education, Equity Responsive Initiatives, at Character Formation bilang pinakamabisang estratehiya nito.

Samantala, nakasaad sa DepEd Order No. 16, series of 2022 na aktibong makikilahok ang Comelec sa pagpapanatili ng peace and order sa bansa sa pamamagitan ng mga inisyatiba at proyekto nito sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa ilalim ng K-12 program.

Ang balangkas ng BANSA ay dapat gabayan ng mabuting pamamahala, transparency, kultura at pagiging sensitibo sa tunggalian, at pagbibigay-kapangyarihan.