-- Advertisements --

May panibago na namang forest fire ang sumiklab sa Bontoc, Mountain Province.

Bandang alas-11:00 ng umaga kahapon sumiklab ang naturang apoy malapit sa isang tourist attraction sa isang bayan.

Sinubukan itong pagtulung-tulungan na apulahin ng mga residente at mga tauhan ng Bontoc fire station ngunit kalaunan ay kinailangan na rin nito ang mas malaking tulong para patayin ang pagsiklab ng naturang forest fire.

Ayon sa Bontoc Emergency Operations Center sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga local authorities upang humiling ng dagdag na tulong para maiwasan ang tuluyang pagkalat ng nasabing apoy.

Dahil dito ay agad na naglabas ng smog alert ang mga otoridad lalo na ngayong maging ang ilang bahagi ng Itogon, Tuba, at Atok sa Benguet, at maging ang Baguio City apektado na nito.

Samantala, sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang posibleng naging sanhi ng naturang forest fire. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)