240437152 1698740850332385 3607866323822656695 n
-- Advertisements --
240582492 1698740366999100 3223482423324875240 n

KORONADAL CITY – Matagumpay na sumuko ang dagdag pang 6 na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter sa Task Force Central (JTF Central) bitbit ng mga ito ang matataas na kalibre ng baril.

Kinilala ang mga sumukong miyembro sina Aratok Silongan, Aladin Kuntong, Haime Guinaid, Ton-Ton Guinaid, Pagal Sape, at Datu Ali Kalagyo na pawang mga miyembro nga BIFF-Bungos Faction.

Isinuko rin ng mga ito ang siyam na high powered firearms na isinuko sa security forces, isang 60mm Mortar, tatlong M16 A1 Rifles, isang Cal .30 M1 Garand Rifle, isang Springfield Rifle, isang Rocket-Propelled Grenade, isang locally made Cal .50 Barret Sniper Rifle at isang M79 Grenade Launcher.

Ayon naman kay Lt.Col. John Paul Baldomar, 6ID Phil.Army, inaasahang makatatanggap ng ayuda galing sa Agila-haven program ang mga sumukong terorista para suportahan ang mga ito sa kanilang pagbabago.

Nagpapatuloy naman ang panawagan ng militar sa mga miyembro ng Daulah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na sumuko at makipagtulungan na sa gobyerno para sa pagkamit ng katahimikan.

-- Advertisement --