-- Advertisements --

KORONADAL CITY — Karagdagang 34 na mga miyembro New People’s Army (NPA) ang sumuko sa gobyerno mula sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat kabilang na ang isang commander ng mga ito.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. John Paul Baldomar sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Baldomar nagbalik loob sa gobyerno ang mga ito kabilang ang isang commander ng Sub-Regional Command (SRC) Daguma-Far South Mindanao Region at ang buong platoon nito matapos matauhan umano at dahil na rin sa mga napakong mga pangako ng kanilang grupo at hirap sa bundok.

Aminado si Baldomar na dahil sa pagsuko ng mga ito kabilang ang isa ring mass organizer mula pa noong 2015 ay mahihikaya’t ang iba pa na bumalik loob din sa gobyerno.

Dala ng mga sumuko ang 66 na mga matataas na kalibre ng baril at mga war materials

Una rito, may 21 mga rebelde rin ang sumuko sa mga otoridad sa bayan ng Lebak ng nabanggit na probinsiya noong nakaraang linggo.

Sa ngayon, umakyat na sa higit 70 ang mga rebeldeng sumuko sa Sultan Kudarat nitong magkasunod na buwan.