-- Advertisements --

Magsisimula ngayong araw ang panibagong 24-oras na ceasefire sa pagitan ng Sudanese Armed Forces at Rapid Support Forces.

Ayon sa Saudi Foreign Ministry na ito ay hakbang na ginawa nila kasama ang US.

Nagkasundo ang dalawang magkalabang puwersa na payagan ang pagdaan ng mga humanitarian aid sa buong Sudan.

Dagdag pa dito na magkasama ang US at Saudi Arabia sa pagdamay sa mga Sudanese sa kanilang pagkadismaya sa nangyayaring kaguluhan.

Magugunitang idineklaera ng foreign ministry ng Sudan bilang “persona non grata” si Volker Perthes ang special representative ng United Nation Secretary General sa Sudan.

Mula ng sumiklab ang labanan sa Sudan noong buwan ng Abril ay ilang libong katao na ang nasawi at ilang milyong mamamayan na rin nila ang lumikas.