-- Advertisements --
image 65

Umakyat ulit sa mahigit 1,000 ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DoH), ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ay nasa 1,010.

Dahil dito, lumbo pa sa 4,009,466 ang total nationwide caseload.

Pero ang bilang naman ng mga recoveries ay umakyat pa sa 3,928,577.

Nadagdagan naman ang mga namatay ng 34 kayat ang total death toll ay pumalo na sa 64,274.

Ito ang ikalawang sunod na araw na mahigit 1,000 ang bagong kaso ng virus matapos maitala ang 1,229 na infection noong Sabado.

Kung maalala, noong nakaraang linggo, apat na sunod-sunod na araw na naitala ng Health department ang covid case na mas mababa sa 1,000.

Base sa pinakahuling datos mula sa DoH, ang active cases ay bumaba naman sa 16,615 mula sa 17,123 noong Sabado,

Ito ang pinakamababang bilang ng active infections matapos ang halos apat na buwan noong makapagtala ang DoH ng 16,244 noong July 14.

Ang rehiyon namang may pinakamataas pa ring kaso ng nakamamatay na virus sa loob ng dalawang linggo ay ang National Capital Region na mayroong 3,176 na sinundan ng Calabarzon na mayroong 1,968 at Western Visayas na mayroong 1,333.