-- Advertisements --

Paiigtingin pa ng low pressure area ang habagat na magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng ating bansa.

Huling namataan ang LPA sa layong 115 km hilaga ng Virac, Catanduanes o 285 km silangan ng Infanta, Quezon.

Sa ngayon ay nananatiling mababa ang tyansa ng weather disturbance formation na maging isang tropical cyclone sa loob ng susunod na 24 oras, ngunit hindi pa rin inaalis ang posibilidad na maging isang tropical depression ito sa mga darating na araw.

Kabilang sa mga apektado ng pag-ulan ang Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Aurora at Quezon.

Habang may magiging maulap naman na may mga biglaang buhos ng ulan dahil sa habagat ang Metro Manila, MIMAROPA, natitirang bahagi ng Visayas, Central Luzon, CALABARZON, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.

Dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan, nagbabala ang mga eksperto sa posibleng flash floods at landslides sa mga apektadong lugar.