Nagbigay ng direktiba si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang digitalization ng National Identification (ID) system na magagamit sa pampubliko at pribadong mga transaksyon.
Sa pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) on Digital Infrastructure sa Malakanyang, tinalakay ang mungkahi ng Philippine Statistics Authority na Public-Private Partnership (PPP) para sa paglulunsad ng Digital PhilID App.
Kabilang sa mga target ng Philippine Identification System (PhilSys) ay pasimulan ang mobile app sa unang bahagi ng taon sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor.
Kaya naman hiningi ni Pang. Marcos ang tulong ng private sector na maipatupad na ang National ID.
Kabilang sa mga pakinabang sa paggamit ng digital ID system ay ang automated eKYC (Know Your Customer), identity theft protection, credit card at loan applications, at digital wallet.