-- Advertisements --
Dumating na sa Switzerland si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para dumalo sa World Economic Forum sa Davos.
Dakong 11:30 ng gabi ng linggo oras sa Pilipinas ng lumapag ang sinakyan nitong eroplano sa Zurich kung saan agad itong umalis para makipagpulong sa mga business at political leaders.
Kasama nito si First Lady Liza Araneta-Marcos at mga gabinete niya.
Pagtitiyak ng pangulo na kaniyang maaakit ang mga malalaking investors sa pagtungo niya sa Switzerland.