Tinapos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pananahimik sa usapin ng Maharlika Wealth Fund.
Sinabi nitong kumpiyansa siyang pakikinabangan ng bansa ang pagtatatag ng Maharlika Wealth Fund, kung hindi ay hindi naman niya ito ipupursige.
Ayon sa pangulo, malinaw na kailangan ng bansa ng dagdag na investments at isa ito sa mga paraan.
Sa ngayon, sinabi ng pangulo na ginagawa naman ang regular na proseso sa nasabing panukala kasama na ang mga pag-aaral, maging ang mga hakbang na tanggalin ang GSIS at SSS bilang source ng pondo.
Ayon sa pangulo, mainam nga ito na ginagawa ng mga mambabatas ang kanilang trabaho at pag-aralang maigi ang mas magandang kalalabasan ng panukala.
Hinikayat naman ng pangulo na itigil na muna ang mga debate hinggil sa panukalang maharlika wealth fund hangga’t hindi naisasapinal ang panukalang batas para rito.
Baka kasi aniya nagdedebate ang marami pero wala na pala sa binubuong batas ang probisyon na pinagtatalunan, kaya maigi aniyang hintayin na muna itong maplantsa ng kongreso.