
Pabiyaheng Davos, Switzerland si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong linggong ito.
Ang lakad ng Pangulo sa Davos ay kasunod ng unang naging imbitasyon sa kanya ni World Economic Forum founder and Executive chairperson Klaus Schwab nang sila’y magkita sa ASEAN Summit sa Phnom Penh, Cambodia.
Ang nabanggit na annual meeting ay sinasabing makapagbibigay ng oportunidad sa bansa para muling mabigyang diin na open for business na muli ang Pilipinas sa ilalim ng bagong liderato nito.
Kaugnay nito ay gagawin mamaya ang pre-departure briefing para sa nasabing biyahe ng Pangulo.
Haharap mamaya sa briefing sina Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Carlos Sorreta and Assistant Secretary Eric Tamayo na dito ay inaasahang mailalahad ang mga detalye ng magiging kauna-unahang pagdalo ng Punong Ehekutibo sa World Economic Forum.










