-- Advertisements --

Kaisa umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagdiriwang ng National Teachers’ Day.

Sa mensahe ng pangulo, kinilala nito na ang edukasyon ang pinaka-pundasyon ng isang maunlad na lipunan, maging ang mga guro na inilalaan ang kanilang buhay upang makapagturo.

Kinilala ng pangulo ang mga papel na ginagampanan ng mga guro, na silang nagtitiyak ng holistic development ng mga kabataan, na nangagarap na makapagdala ng pagbabago sa kanilang mga komunidad.

Kinilala rin ng presidente ang sakripisyo ng mga guro, sa paghubog at paghahanda sa mga maga-aral para sa kanilang hinaharap.

Ayon kay Pangulong Marcos, marapat lamang na maipabatid sa mga guro ang pagtanaw ng utang na loob sakanilang serbisyo sa bansa, lalo na ngayong nagbu-bukas nang muli ang mga paaralan sa in-person classes.

Sa huli, binigyang diin ng punong ehekutibo na sa tulong ng mga guro sa buong bansa, mas tatatag ang Pilipinas, kung saan ang mga Pilipino ay mas magkakaroon ng kakayahan na maisakatuparan ang isang mas maliwanag na hinaharap.