-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 17 15 05 40

Todo pasasalamat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng mga kasapi ng Philippine Air Force (PAF) na patuloy at walang sawang nagbabantay sa teritoryo ng ating bansa.

Sinabi ito ng Pangulong Marcos kasabay ng pagdalo nito sa change of command ceremony at pormal nang umupo sa puwesto si Major General Stephen Parreño bilang commanding general at pinalitan si Lieutenant General Connor Canlas Sr.

Umaasa rin itong ipagpapatuloy ng Philippine Air Force sa ilalim ng panunungkulan ni Parreño na maging responsive sa pangangailangan ng publiko.

Umaasa ang Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ni Parreño na maghanap ng karangalan at kahusayan habang ginagampanan nito ang kanyang mandato sa bansa at sa taumbayan.

Kampante rin umano ang pangulo na sa ilalim ng liderato ni Parreño ay masususitini ng Philippine Air Force ang nagpapatuloy na inisyatiba at maabot ang bagong yugto ng responsive service-delivery para sa ating bansa at para sa mga tao.

Sigurado rin umano ang Pangulong Marcos na maabot ng ating bansa ang kanilang goal na lumikha ng world-class air force na siyang magiging daan para sa kapayapaan at makapag-ambag sa ating national development at regional security.

Nangako rin si Pangulong Marcos na kaisa ito sa modernization hindi lang sa Philippine Air Force pero sa buong Philippine military.

Hindi naman nakalimutan ni Pangulong Marcos na pasalamatan at papurihan si Canlas dahil sa ilalim daw ng kanyang panunungkulan ay naging credible at responsive ang Air Force.

Nakamit ito dahil na rin sa intensive modernization efforts; improvement ng integrated air defense system; regular conduct aerial intelligence at reconnaissance missions; pagsasagawa ng humanitarian assistance at disaster response at ang paglulunsad ng Flight Plan 2040.