-- Advertisements --
image 328

Nais daw ngayon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan na ng Department of Transportation (DoTr) ang kanilang diskusyon sa Sumitomo-Thales para sa maintenance ng aviation traffic management system ng bansa kasunod na rin ng airspace shutdown noong Bagong Taon.

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, pinag-usapan na rin daw nila ng Pangulong Marcos ang kanilang rekomendasyon matapos ang nangyaring insidente noong Ener.

Ito ay kinasangkutan ng Civil Aviation Authority of the Philippines’ (CAAP) Communications, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM).

Ayon kay Bautista, suportado naman daw ng Pangulong Marcos ang kanilang rekomendasyon na magpatupad ng future requirements na kinakailangan sa pag-upgrade o pagpapaganda sa Communications, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management system na kinabibilangan ng hardware at software maintenance.

Kung maalala, noong unang araw ng taong 2023, umabot sa 282 flights ang nakansela, na-divert o na-delay matapos hindi gumana ang uninterruptible power supplies (UPS) ng Philippine Air Traffic Management Center’s (ATMC).

Kaya naman nagsagawa sila ng troubleshooting activities.

Dahil sa naturang insidente, apektado rin ang nasa 56,000 passengers dahil sa airspace shutdown ng ilang oras. Dagdag ni Bautista, noong Setyembre pa lamang ng taong 2022 ay nakikipag-usap na rin sila sa dalawang korporasyon.

Una nang sinabi ni Transportation Undersecretary for Aviations and Airports Roberto Lim na ang Thales-Sumitomo joint venture ay mayroong pondong P986,653,157.81 na mahahati raw sa tatlong magkakaibang claims. Kabilang dito ang suspension claims na nagkakahalaga g P477 million.

Ito ay consequence ng suspension ng contract dahil sa isang notice ng disallowance noong 2011 na na-lift naman noong 2013.

Kasama pa rito ang prolongation claim na nagkakahalaga ng P387 million. Ito ay ang consequence ng delay dahil sa suspension ng kontrata at delay ng pagpapatupad ng work instruction ng Department of Transportation.

Panghuli ang price escalation claim na nagkakahalag ng P121 million na isang consequence ng delay n project contractors.

Sa kabilang dako, mayroon ding P644 million na halaga ng claims ang Department of Trasportation laban sa joint venture. Sinabi ni Lim na ito ay dahil naman sa delay ng delivery ng kanilang system.

Sa kabila nito, sinabi ni Bautista na kinikilala naman daw ng pangulo ang mga improvement sa maintenance ng air traffic management system.