-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Hangang-hanga ang mga world leader’s kay Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang pagdalo sa World Economic Forum (WEF) dahil sa napakagaling at pagiging optomistic nitong makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng nagdaang pandemya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ambassador Bernard Dy ng Switzerland na malaking bagay ang pagdalo ng pangulo sa WEF dahil naipakita nito ang sitwasyon at mga plano ng kanyang administrasyon sa bansa.

Aniya, nasa high spirit din ang pangulo sa kanyang pakikihalubilo o meet and greet sa mga Filipino community sa nasabing bansa.

Ipinapangako ng pangulo sa kanila na magtatrabaho siya ng husto at walang magiging corrupt sa kanyang administrasyon.

Kapansin-pansin naman na maraming loyalista ang mga Marcos sa Switzerland na nagiging emosyunal at nag-iiyakan nang makita ang Pangulo.

Samantala, inihayag pa ni Philippine Ambassador to Switzerland Bernard Dy na hinihintay pa niya ang letter of acceptance sa Swiss Government upang tuluyan na niyang mapagsilbihan ang mga Filipino sa Switzerland.