-- Advertisements --
Hindi nawawala sa prayoridad ng administrasyong Marcos na magkaroon ng isang departamento na tututok sa anumang usapin na may kinalaman sa tubig.
Ito ay ang Department of Water Resources.
Ayon kay OPS-OIC Undersecretary Cheloy Velicaria-Garafil, nuon pa man ay sinabi na ng Pangulo na kailangang magtatag ng nasabing kagawaran at hindi aniya nagbabago ang tindig dito ng Punong Ehekutibo.
Ang pasiya ng Pangulo na maipursige ang pagkakaroon ng Department of Water Resources ay sa harap na rin ng target ng Marcos Administration na ayusin ang water resource management ng bansa.
Hakbang din aniya ito upang matugunan ang kritikal na estado o lagay ng water supply sa bansa lalo na’t kailangan din ng sapat na suplay ng tubig para sa irigasyon.