-- Advertisements --
Lubos na nagpasalamat si President Ferdinand Marcos sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa US kaugnay sa all time high na dollar remittances na naabot ng bansa noong 2021.
Umabot sa $34.88 billion (dollars) ang remittances noong 2021.
Sa kaniyang pagharap sa Filipino Community sa New Jersey, inihayag ng Pangulo na malaki ang nagawa ng naging padala ng mga OFW sa gitna ng pagbagsak ng ekonomiya dulot ng COVID-19.
Aniya, binuhay ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa abroad ang ekonomiya ng bansa kaya’t ipinagmamalaki aniya niya ang OFWS.
Sa panig naman ng mga OFW, ay nagpahayag ang mga ito ng kagalakan sa naging talumpati ng Pangulong Marcos Jr., kasabay ng pagsuporta sa liderato nito sa susunod na higit limang taon.