-- Advertisements --

Kinumpirma ni President-elect Bongbong Marcos na hiniling sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ang halalan sa Mayo 9 na ipagpatuloy ang giyera laban sa droga.

Ngunit nilinaw nito na sa “sarili” niyang paraan.

Napag-alaman na nahaharap ang administrasyong Duterte sa posibleng pagsisiyasat ng International Criminal Court (ICC) sa mga umano’y krimen ng gobyerno laban sa sangkatauhan sa madugong giyera laban sa druga.

Sinabi rin nito na aniya, hindi magiging problema kung sasama sa kanyang administrasyon ang kanyang predecessor na si Pangulong Rodrigo Duterte at magiging drug czar.

Nauna sa kanyang mga talumpati, hinimok ni Duterte ang papasok na gobyerno na ipagpatuloy ang laban sa droga, na dapat ay “isang digmaan.”

Sinabi naman nina Marcos at Duterte-Carpio na “magpapatuloy ang war on drugs na may puso”.