BOMBO DAGUPAN – Nananatiling naka-heightened alert ang hanay ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Pcapt. Renan Dela Cruz, Public Information Officer sa Pangasinan, ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Aniya, hindi pa ibababa ang kanilang alert status dahil sa long weekend na naganap.
Kaugnay nito, inaasahan naman na magiging full alert status ang kanilang hanay sa darating na pasko dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga taong uuwi sa probinsya.
Samantala, nauna nang sinabi ni Dela Cruz na generally peaceful ang paggunita ng undas sa lalawigan kahapon.
Kung kaya’t, ipinaabot nito ang kaniyang pasasalamat sa mga uniformed personnel, Media personnel, Health care workers, at Local Government Unit, sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mamamayan.
Nagpaabot din ito ng pasasalamat sa publiko na tumalima at sumunod sa mga ipinatupad na mga panuntunan ng pamahalaan.
Wala naman aniyang naitalang anumang di kanais nais na insidente at pawang ang mga may nakbinbin na kaso lamang ang mga nahuli.
Tinatayang nasa 13 wanted persons ang nahuli ng kanilang hanay at 1 rin ang nahuli sa paglabag sa loose firearms.










