Lumabas sa redacted document ng International Criminal Court ang mga pangalang Dela Rosa at Aguirre para sa Pre-Confirmation Brief sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagamat hindi binanggit ang kanilang mga unang pangalan, tinukoy sa dokumento si Dela Rosa bilang Philippine National Police (PNP) chief sa ilalim ng Duterte administration na nagpatupad ng Project Double Barrel, hango sa “Davao model” kontra sa ilegal na droga.
Samantala, si dating DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II ay idinawit din, pero mariin niyang itinanggi ang pahayag na umano’y pumapabor sa pagpatay ng mga drug lords, bilang bahagi ng kampanya kontra ilegal na droga, krimen, at korapsyon.
Si Aguirre ang unang kalihim ng DOJ sa ilalim noon ng administrasyong Duterte.
Samantala, ayon naman kay Atty. Kristina Conti, ICC-accredited assistant to counsel, na binabanggit sa pre-confirmation brief ang naging papel ni Dela Rosa at sa kaniyang palagay, malinaw na ipinapakita nito na co-perpetrator si Dela Rosa kasama ng dating Pangulo