-- Advertisements --

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na hindi magagamit ang pangalan ng mga botanteng namatay na para makaboto sa May 9 elections.

Kasunod na rin ito ng mga lumabas na balitang nagagamit daw ang pangalan ng mga patay nang botante para sa pagboto.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines, aminado naman si Comelec Commissioner George Garcia na hindi madali ang proseso ng pagtanggal ng pangalan ng mga botanteng namatay sa voters list.

Kasabay nito, ipinaliwanag naman ni Garcia kung paano puwedeng magamit ang pangalan ng mga namatay na sa pagboto.

Samantala, nakatakda namang ilabas ng komisyon ang listahan ng mga areas of concern bukas.

Malalaman dito ang mga lugar na kailangang pagtuunan ng pansin ng mga otoridad sa nalalapit na halalan.

Una rito, sinabi ni Garcia na handa na ang mga ito sa halalan sa Mayo 9.

Tiniyak ni Garcia na hindi sila mabibitin sa oras at nasusunod pa rin ang kanilang timeline at sa katunayan.

Pinawi naman ni Garcia ang pangambang nagkaroon ng data breach sa panig ng Smartmatic, ang provider ng elections software sa May 9 elections.

Sa panayam pa ng Bombo Radyo Philippines kay Garcia, sinabi nitong walang dapat ikabahala ang mga botante sakaling magkaroon ng aberya sa panig ng provider na Smartmatic dahil marami naman silang option o plano.

Kasabay nito, tiniyak ni Garcia na walang data breach na naganap sa panig ng komisyon.