-- Advertisements --
water shortage

Aminado si Pang Bongbong Marcos na nakakaranas ang bansa ngayon ng krisis sa tubig.

Naniniwala ang Pangulo na isang malaking dahilan ng krisis sa tubig ay ang hindi maayos na water management sa bansa.

Ayon sa Pangulo hindi katanggap tanggap na ang Pilipinas ay nakakaranas ng water crisis gayong ang bansa ay isang tropical country.

Sabi ng Pangulo kailangan lamang talaga ng maayos na pangangasiwa dito.

Ayon sa chief executive kanila ng binuo ang Office of Water Management na siyang tututok at tutugon sa problema.

Aniya kahit walang El Niño may problema talaga ang bansa sa tubig.

Isa sa prayoridad ng Marcos Jr. administration na magconstruct ng mga flood control at mga irrigation system.

Dagdag pa ng Pangulo mahalaga ang patubig sa sektor ng agrikultura para magkaroon ng magandang produksiyon.

Inihayag din ng Pangulo na kanila na rin tinutugunan ang isyu sa pagtatanim ng palay na angkop sa dry season.

“Dahil basta sa agrikultura naman, alam naman natin ang pinakamahalaga para makakita ng magandang produksyon ay ang patubig. At ‘yan ang titingnan natin. We have already identified, in terms of rice production, we have already identified certain varieties, hybrid varieties especially, that do very well during the dry season, ” pahayag ng Pang. Marcos.

Sa ngayon ayon sa Pangulo, mayruon ng nakalatag na plano para tugunan ang mga isyu na ito.

“But again, the water management problem that we have in the Philippines goes beyond – because it’s water – it goes beyond just agriculture. Of course, agriculture is an extremely important part of it but we are talking about irrigation – water for irrigation, water for power production, our management of surface water sa flood control and for irrigation as well,” pahayag ng Pangulong Marcos.