Pinatitiyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr kay Speaker Martin Romualdez na nakatanggap ng karampatang tulong ang pamilya ng anim na sundalo na nasawi sa enkwentro laban sa teroristang Dawlah Islamiya sa Lanao del Norte.
Inihayag ni Speaker Romualdez na nagbigay ng direktiba si Pangulong Bongbong Marcos para sa distribusyon ng tulong-pinansyal sa pamilya ng anım na sundalong nasawi at maging ang mga nasugatan.
Inihayag ito ni Romualdez kasabay ng paglulunsad ng pinakamalaking Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na idinaos sa Sultan Kudarat.
Sa harap ng mga opisyal ng Armed Forces sa lalawigan ay nagbigay-pugay ang leader ng Kamara sa magigiting na sundalong nakipagbakbakan sa Lanao del Norte.
Bukod sa cash assistance, tatanggap ang bawat pamilya ng mga nasawi ng educational at livelihood assistance.
Samantala, nasa P1.2 billion pesos na halaga ng tulong ang ipinamahagi ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair kung saan nasa 150,000 beneficiaries ang makikinanabang.
Ito rin ang unang serbisyo caravan sa SOCCSKSARGEN kung saan kabilang sa ipinamahagi ang P200 million pesos na cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ng DSWD at TUPAD program ng DOLE.
Pinangunahan din ni House Speaker Martin Romualdez ang distribusyon ng tatlumpung libong sako ng bigas na nagsabing ang BPSF ay patunay na ang Mindanao ay malapit umano sa puso ng mga leader ng bansa.