-- Advertisements --

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tagumpay ng kanyang pagbisita sa Japan at iniulat na mabilis na madarama ng mga Pilipino ang mga resulta nito.

Nasa 35 na kasunduan ang nilagdaan ni PBBM at kanyang delegasyon kasama ang Japanese government at private sector.

Bukod pa rito, nagsilbing pagkakataon ang kanyang official visit upang mailatag ang “blueprint” ng ugnayang Philppines-Japan sa pagbangon ng dalawang bansa sa epekto ng pandemiya.

Sa kabilang dako, nakatakdang rebyuhin ng Pilipinas ang “tripartite agreement” sa dalawang kaalyadong bansa ang Estados Unidos at Japan.

Sinabi ng Pangulo, ‘maraming iba pang isyu” na ibinangon ng delegasyon ng Pilipinas sa Tokyo ay ang pagpapatibay ng mga alyansa sa mga matagal nang kasosyo nito.

Sinabi ng chief executive na ito ay bahagi ng isang patuloy na proseso upang makagawa ng higit pang mapagtibay ang pakikipagtulungan at alyansa ng dalawang bansa.

Nauna nang nagkasundo sina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palakasin ang ugnayan ng depensa at seguridad ng Maynila at Tokyo.