BAGUIO CITY – Reunited muli sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa Commencement Exercises ngayong araw ng PMA Class SALAKNIB Class 2017.

Nagkamayan sina Pang. Duterte at VP Robredo ng magkita sa Borromeo Field.

Magkahiwalay ang upuan nina Duterte at Robredo, nakapagitan sa dalawa si Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Katabi ni VP Robredo si National Security Adviser retired General Hermogenes Esperon.

Si VP Robredo ang magagawad ng Vice Presidential Saber kay Cadet First Class Philip Modestano Viscaya na salutatorian ng graduating class.

Magugunita na buwan ng Disyembre noong nakaraang taon ng magbitiw sa gabinete ang ikalawang pangulo ng bansa.

Maliban kay VP Robredo ay nasa akademya rin ang iba pang matataas na opisyales ng Armed Forces of the Philippines maging ang mga opisyales ng lungsod ng Baguio at lalawigan ng Benguet.